EVERY DROP COUNTS!

- Iwasan ang paliligo ng matagal, kung maaari ay gumamit ng tabo at timba. Huwag hayaang umaapaw ang tubig sa timba.

- Gumamit ng baso sa pagsipilyo. Huwag hayaan nakabukas ang gripo habang ikaw’y nagsisipilyo.

- Maglaan na lamang ng kaunting tubig sa isang lalagyan sa tuwing maghihilamos o mag-aahit.

- Gumamit po ng palanggana sa tuwing maghuhugas ng gulay, prutas, karne, isda at mga pinagkainan.

- Huwag pong basta-basta itapon ang tubig na gamit sa paglalaba. Maari itong ipunin sa isang timba at gamitin na pandilig ng halaman.

- Mangyaring magdilig ng halaman sa gabi o sa umagang-umaga gamit ang timba at tabo o lagadera. Huwag magdilig kapag matindi ang sikat ng araw o mahangin; madali lamang sisingaw ang tubig at hindi ito masipsip ng halaman.

- Agad kumpunihin ang mga tagas sa gripo o sa tubo.
- Kapag may nakitang sirang tubo o tagas ng tubig sa kalsada, agad na ipagbigay-alam sa SANWAD.
Tel. # 305-2648 (PLDT)
305-0839 (PLDT)
CP # 0927-588-2538